New account registration is temporarily disabled.

LORDNIGHT'S PROFILE

ÿþ-EPISODE 1: Reprise-

-Page Start-



"NAWAWALA ANG BALLPEN KO!"



	Sumabay sa pagtilaok ng manok ang sigaw ng kapatid ko



"NASAN NA!?"



	at kasabay din noon ang pagdilat ng mga mata ko



"nanaman?"

	

	reklamo ko habang tinataboy ang natitirang antok sa aking katawan



"hindi ko makita eh"



	Lagi nalang nangyayari to. infact, hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nagising sa mga malalakas na sigaw niya.



"ako nalang maghahanap, ma-una kana at baka ma-late ka pa sa klase mo"



"ah okay, sorry ah? kuya?"

"...salamat"



	Idagdag mo pa ang ilang beses niyang pag-pwersa sakin ng mga responsibilidad niya, tulad ng paghahanap ng kanyang ballpen.

	Dapat nga inihahanda na niya ang mga gamit niya sa school bago matulog.



"ok lang, ingat sa daan"



"sige kuya, bye bye"

	

	kinawayan ko ang lumalayong likod ng aking nakababatang kapatid habang nagiisip sa mga possibleng lugar kung saan nakatago yung ballpen niya

	kahit na ba nagrereklamo ako kanina, hinanap ko parin yung ballpen niya na para bang sa akin yun. nakasanayan na eh.



"oh? Daryl? umalis na ang kapatid mo? hindi pa siya kumakain ah?"



	tanong ni mama pagkatapos niyang magluto ng pritong itlog. hindi niya siguro natanong si Jamie. bilis tumakbo nun eh.



"opo eh, ok lan yun, ako na magdadala nang baon at lunch niya sa school"



"oh sige, yung baon niyo nasa lamesa kasama ng agahan at tanghalian niyo, sige ah? walang nagbabantay ng tindahan eh"



	pakiwari ni mama pagkatapos niya hubarin ang apron at nagmamadaling naglakad papuntang tindahan namin.

	tinapos ko nang mabilis ang pagkain at nagpatuloy sa paghahanap ng ballpen ni Jamie. naisip ko na hanapin yun sa kwarto niya, pero ayaw ko pang mamatay.

	knowing my little sister, malamang naiwan niya yun sa tapat ng PC.

	nilakad ko living room namin na ilang centimeter lang ang layo mula sa kitchen.

	at sapol... nakita ko ang pink na Faber-Castell ball-point pen niya sa drawer na naglalaman nang sangkatutak na Random anime DvDs

	

"careless..."



	pabulong ko'ng sinabi habang binubulsa yung ballpen niya sa itim na slacks ko.

	7:12am ang sabi ng cheap na relo ko pagkatapos ko siyang tanungin nang oras...

	at pabulong niya ring sinabi na late na ko sa school.

	Hindi kaya, 8:00am pa simula ng klase namin, late ka diyan. meron pa kong 30mins para tumambay sa bahay at maglaro ng computer games, or tignan yung facebook account ko.

	Pero hindi ko gagawin yun, kaylangan ko pang ihatid yung baon, lunch at ballpen ni Jamie sa classroom nila na puno ng babae.

	ayus din kaya yun.

	at habang iniisip ang mga walang kwentang bagay na pwede ko'ng gawin sa classroom ng nakababatang kapatid ko. sinusuot ko na yung uniform ko na polo nalang ang kaylangan at sapatos. Mind you, kapag alam ko na may pasok kinabukasan, sinusuot ko na yung slacks ko in advance pagkatapos maligo and ginagawang pantulog. hindi narin ako naliligo bago umalis, ginagawa ko yun pagdating ko galing school.

	

"Ma! Alis na ko"

	

	mahinang sigaw ko sa harap ng pinto ng tindahan namin na katabi lang yung green na gate namin na bagong bago.



"sige, Ingat kayo ah"



	kayo? nakasanayan na niya siguro na kasama ko si Jamie.

	oh well.

	binuksan ko yung maliit na portion nang malaking gate namin. walang ingay, halatang bago.



"Goodmorning Daryl!"



"eh?"



	grabe yung gulat ko... napa-atras tuloy ako ng dalawang metro mula sa original position ko.



"oh? bakit?"



	nung tinignan ko kung saan nagmula yung nakakagulat na voice.



"M-Mika?"



"heya?"



	Patanong niyang bati sakin habang hinarangan ang pagsayaw ng mahahaba niyang bangs gawa ng hanging amihan.

	My Classmate, Mika Salonga, one you can call, my childhood friend, seatmate and neighbor, diyan nga lang yung bahay nila sa harap ng tindahan.



"aga mo ah?"



	Patanong ko'ng balik sa kanya, oo dati sabay kami pumunta sa school pero natigil yun noong nag-third year si Jamie.



"same goes to you? 8 pa kea start ng klase?"



"ahh...?"



	can't get back there, oo nga naman.



"alam mo Mika..."



"hmm?"



"may mga bagay tayo na kaylangan nating gawin..."



	sabi ko habang nakatingin sa malayo... pilit na ginagaya yung isa sa mga scenes ni Vilma santos.



"hah?"



	ganda nang reaction niya, makikita mo yung malalaking question mark sa taas ng noo nia eh. pero hindi ako nagpatalo... or hayaan mo na, useless din yun kung eexplain ko pa sakanya na kaya lang naman ako pumapasok ng maaga kasi kaylangan ko'ng ihatid yung baon, lunch at ballpen ng kapatid ko.



"nevermind"



"eh? ano yun?"



	ayus, na curious na siya.

	anyway, ngayon alam ko na kung ano ibig sabihin ng 'ingat kayo ah' ni mama



"kalimutan mo na yun, tara na"



	tinalikuran ko si Mika at naglakad ng malayo, malamang iniisip mo na masama akong tao, iwanan ba naman siya?

	sorry, pero kaylangan ko'ng tumakas... once ma curious si Mika, hindi ka niya titigilan hanggang makuha niya yung gusto niya sa iyo.



"teka..."



	nagmamadali niyang habol sa akin. lagot



"hey, napanood mo yung drama kagabi?"



	ah, buti nalang...

	pero yung drama kagabi?

	sorry, pero hindi ako nanonood ng TV. teka? dapat alam na niya yun



"ay, hindi ka pala nanonood ng TV"



	ayus, iwas eksplinasyon.



"pero dapat napanood mo"



	pero ipinilit niya parin sakin. 

	yan si Mika, selfish na masungit na pala-kaibigan... pano nangyari yun? simple lang.

	masungit siya sa mga tao na hindi pamilyar sa kanya... especially kena Yoshi at Kim

	pero feeling close sa mga taong sa tingin niya at kaybigan niya... even pushing her own selfish feelings and whims to them.



"ahaha, nakakatuwa yung bida"



	alam niya ba na hindi ako nakikinig sa kanya?

	judging from her never-ending-like story-telling, malamang hindi.

	Inangat ko ang aking mga mata para tignan ang mga ulap na lumalangoy sa langit. Maganda nanaman yung magiging panahon ngayon. mga ibon na inaawit ang kanta ng umaga at mga dahon na nagdadala ng masarap na hangin. heh, pwede na ko maging songwriter. siniyasat ko yung paligid ko habang ginagawang BGM yung boses ni Mika... 

	nang masulyapan ng kaliwang mata ko ang isang lugar



"hey... Mika"



"tapos tumakbo siya sa... eh? bakit?



	mukhang hindi pa siya tapos, anyway.



"ano yun?"

	

	tinuro ko yung mysterious place na nahuli ng kaliwang mata ko



"eh? ahh... kapilya yan, though luma na"



"may kapilya pala diyan?"



"hindi kita masisisi kung hindi mo napapansin, nasa ilalim kasi saya ng malaking simbahan na katatapos lang gawin last year. don't worry, dedemolish din nila yan"



"ahh..."



	fair enough, hindi mo nga talaga siya mapapansin dahil natatakpan siya ng anino ng malaking simbahan sa likod unless tititigan mo talaga.



"hoy? si Daryl at Mika yun ah?"



	gaano man ako nagulat mula sa walang galang na boses na yun, hindi parin ako napa atras tulad ng nangyari kanina, bakit? isa lang naman yung inaasahan kong tao na makikita sa lugar na ito. at siya si...



"hey Tam, aga ah"



	Tammy Manubay, Classmate and Class president.



"haha, lagi naman ako pumapasok nang ganto'ng oras, kayo ba? aga ah?"



"napaaga nang pasok si Daryl eh"



"kaya pala"

	

	ayus, nagkakaintindihan sila.

	at kasalanan ko pa?

	trust me, hindi ko talaga sila maintindihan.

	mas madali ko pa maipapaliwanag yung general theory of relativity ni Einstein kaysa sa general blueprint ng ulo nila.



"hey guys? next next week na pala yung field trip natin ah?"



	tanong ni Mika sa aming dalawa habang inaayos yung buhok niya sa harap ng portable round mirror from Avon.



"talaga? kaw Daryl? sasama ka?"



	good question, tanungin ko nalang si mama pag-uwi

	not that we can't afford it. ayaw ko lang ng extrang gastos



"hind ako sure eh, kausapin ko muna si mama"



"ah okay"



	sagot ni Tam, yan gusto ko sa kanya eh, understanding... hindi tulad ng isa diyan



"sasama ba ko? kaw Tam? sama kana"



	nagtanong siya then siya rin sumagot.



"sasama naman talaga ako"



	syempre, siya yung class president, not like required sila sumama, pero kaylangan yung leadership nila sa mga ganung sitwasyon.



"good, yan si Daryl? siguradong hindi"



	predetermined na pala na hindi ako sasama sa kanila



"hindi pa tayo sigurado, next next week pa naman yun"



	yap, yan si Tam. I consider him actually my best friend. si Mika? secondary lang, and kaya lang naman kami lagi magkasama is because we attend the same school and we go home on the same direction. Though maraming beses na kami na misunderstand dahil dun.



"asa ka pa, si Daryl? alam mo naman na mas mahal niya pa ang pera kaysa sakin"



	again with her stupid jokes.

	while messing around, narating namin yung school gate in exact 23mins... sabi ng cheap na relo ko.



"ah, good morning guys"



	si Rika, because of her hairstyle na hindi mo alam kung side tail or loose ends, madali lang siya ma-recognize, tulad ngayon. na sa gitna nang alon ng mga students ng school, nakita ko agad siya.



"hey Rika, cute mo ngayon ah? ano meron?"



	oo, tama akala mo, si Mika yan, as far as I know, mag-bestfriend daw sila. Pero hindi ako sure sa iniisip ni Rika. not like I can't understand her on the same level as those two, hindi ko lang talaga siya mabasa, magaling siya kasi maglabas ng poker face.



"wala naman, tara na..."



	hinila ni Rika ang kamay ni Mika papasok ng school building. medyo wierd kasi yung school namin, nakahiwalay yung building ng babae sa mga lalake, which is sa south wing yung building ng mga girls ranging from 1st-4th year while sa left wing naman yung mga boys. right wing are for extracurricular buildings such as yung library and yung canteen namin.

	minsan lang ako pumunta sa south wing, hindi naman sa bawal kami doon... hindi lang ako komportable. or I'm just giving random excuses...



"sige dito na kami..."



	sabi ni Tam pagkatapos namin makarating sa circle na naghihiwalay ng left, right and south wing ng school...

	kinawayan kami ni Rika pagtakatapos nila mawala sa mga anino ng ibang studyante.

	at tinahak namin ang daan papuntang room 4-2.

	sa 3rd floor yun, so kaylangan pa namin siya akyatin. medyo nakakapagod din nung una, pero hindi kapag nasanay kana...



"pero sana mag lalagay sila ng elevator or escalator next time..."

	

	reklamo ko... sorry but I was born with a weak heart... so mahina stamina ko.



"heh, tiisin mo nalang... malapit na tayo. Ako na kaya magdala ng bag mo?"



"ok lang... ako na"



	bait mo talaga... sana ikaw nalang si Mika eh...

	kaso imposible yun.

	narating namin yung classroom namin na nasa tabi lang ng hagdan. as usual, maingay siya. tradition na yun sa school na ito.

	nag kwentuhan pa kami ni Tam ng matagal hanggang sa dumating yung adviser namin.



"ok class, Simula na tayo"



	siya si Mr. Jabay. at dahil sa suaveng suaveng bigote niya, pwede na niya icosplay si super mario.

	

"sir! may assignment po tayo!"



	Sigaw ni Yoshi, my half-japanese classmate na sarap batukan.



"oo alam ko, mamaya na natin check yan, magkyopyahan muna kayo"



	biro ni Mr. Jabay. But I don't think nagbibiro siya. minsan na niya kasi kami nahuli na nagkokopyahan sa isa sa mga quiz niya, pero binalewala niya lang. since then he's making that kind of remark.



"okay!"

	

	pasagot na sigaw ni Yoshi na nagpapangap na model student... kapal talaga ng mukha nito.

	nagsimula ang regular na klase namin and as usual, inaantok ako.

	pero pipigilin ko ang sarili ko matulog... bakit? respeto... kita niyo naman na may nagsasalita sa harapan eh.

	pero, nakaka-antok talaga.

...

..

.

	natapos na yung physiology class namin...

	three kasi klase namin for morning class.

	8-9: History

	9-10: MAPEH

	10-11: Physiology

	11-12: Afternoon Break

	yap, per hour siya, typical highschool schedule



"hey Daryl, punta na tayo sa canteen"



"sige"



	aya ni Tam.

	canteen namin, maraming varieties ng pagkain doon... from home-made spaghetti to imported chicherya.

	pero pwede ka parin magdala nang sarili mo'ng lunch. wala naman nakalagay sa student handbook na bawal.



"Kuya?"



	while papunta, nasalubong namin si Jamie sa 2nd floor ng left wing.. oo, yung building namin



"tara sa canteen"



	inaasahan ko na to, alam din siguro ni Tam na pupunta si Jamie sa classroom.

	heh, calculating as usual.



"ehhh? panu yung baon ko? SAKA YUNG BALLPEN KO!?"



	oo nga naman, since hindi ko naabot yung ballpen niya this morning. though I'm sure na nanghiram siya kay sherly



"ok lang yun, alam ko nanghiram ka sa mga classmates mo"



"ugh..."



	haha, no competition.

	Tam and I knew very well na hindi ako kaya talunin ni Jamie sa debate much less on ordering me around, I just want to spoil her nang hindi niya napapansin... medyo my inferiority complex kasi siya...

	...ever since that day.

	nasalubong namin sa daan si Mika at Rika at sabay na kami pumunta sa Canteen.

	malaki yung canteen namin, mas malaki pa nga siya sa gym stadium.

	hindi na ako magtataka kung makakaya nila pagkasyahin sa loob ng canteen ang isang submarine nung araw pa ni Rizal... hindi yung submersible ah, yung submarine talaga.



"now then... san tayo uupo?"



	tanong ni Rika, considering taken na yung regular seat namin... we need a temporary one.



"yung malapit sa bintana"



	nice suggestion Mika, as expected from someone like you na mahilig tumingin sa mga tao at gumawa ng storya sa loob ng imahinasyon niya. Though I won't dare myself malaman kung ano ano sila.



"sige dun tayo"



	turo ni Tam dun sa untaken seat malapit sa potted orchid plant na naka tayo ilang meter malapit sa aircon... I wonder kung ok lan yun?

	oh well, wala naman ako alam sa Botany. Nakatapat naman siya sa bintana na nasisikatan din ng araw so I guess it's fine.

	the five of us took our respective seats, sa tabi ko, si Jamie sa left and si Tam naman sa right, then Rika and Mika... at nasa likod niya lang yung potted orchid plant.

	...sana mainitan siya, though I guess that's imposible considering na airconditioned yung room.



"now then, eto lunch ko! taadaa~"



	pagyayabang ni Mika

	her lunch consist of rice, sausages, ketchup baon size and a piece of chocolate cake



"wow... si ate Mika my chocolate cake"



	at naingit naman si Jamie. Sabagay, mahilig kasi siya sa sweets



"hati tayo Jamie, in one condition..."



"eh?"



	ah, here we go again, with Mika's business-like smile



"give me some of your fried rice!!"



	yep, as expected... hindi talaga siya magbibigay for free, ganyan na yan since birth, like when the time nung mga bata pa kami. Nakakita siya ng Lady Bug (who shouldn't exist in our country) tapos ibibigay niya lang sakin if ibibigay ko sa kanya yung CD ng Titanic.



"fried rice?"



"oo, alam ko si Daryl nagluto niyan"



	what?



"hah? panu mo nalaman?"



	no seriously... I wake up early to re-use the rice na hindi naubos last night, since I don't want to be a bother to my Mother, but paano?



"simple lang, your fried rice are usually light brownish, and kaunti lang yung garlic niya since Jamie doesn't want them"



"..."



	speechless. I guess hindi ko siya Childhood friend for nothing



"uhm? sure, eto oh..."



	inabot ni Jamie yung maliit na lunchbox niya kay Mika, si Mika naman, maingat na kinuha at itinabi sa malaking lunchbox niya, and putted a little portion of fried rice in her lunchbox, while putting the whole cake sa lunchbox ni Jamie.



"waa... salamat ate Mika"



"ahaha, thank you for the trade..."



	though in exchange, marami na siyang rice in comparison sa sausages niya na 4 pieces lang... oh well, let's not pry any further.

	after that, Tam, Rika and me ate in silence... while the other two talk about trivial things. and then...



"hey ate Mika..."



"hmm?"



"gusto mo si Kuya Daryl?"



"yes I do..."



"fweehh..."



	yep, that surprised me to the point that I spit my food out of my tongue.

	and I make sure na walang tao sa lugar kung saan siya mag lalanding.



"the hell!?"

	

	interjection ko while wiping my mouth gamit ung handkerchief na binili ko ng 15php sa labasan.



"hmm? Daryl? ano meron?"



	langya ka, pa-inosente kapa...



"ilang beses ko ba sasabihin sayo!? stop with those stupid jokes..."



"it's not a joke...?"



	eh?

	...silence, that one phrase cause a severe silence sa table namin, kahit sina Rika at Tammy napatigil.



"I'm serious..."



	dagdag niya pa...

	naku...

	is this a confession?

	sa canteen?

	to top it all, lunch hours pa?

	idagdag mo pa yung sigaw ko kanina that causes others to look on us...

	to make it worse... Mika look so serious... so serious na hindi bagay sa character niya.



-Page End-